PAGKAKAROON NG KAUNA-UNAHANG MGA OFFICIAL VEHICLE NG MOTC-BARMM, IKINATUWA NG MGA EMPLEYADO; BLESSING CEREMONY ISINAGAWA

 
Nagagalak ang mga empleyado ng Ministry of Transportation and Communication ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MOTC-BARMM dahil nagkaroon na sila ng mga sasakyang magagamit para sa official purposes bilang mga public servant.
 
Laking pasasalamat nila dahil natupad ang kanilang matagal ng inaasam na official vehicle ng kanilang tanggapan at isa rin ito sa naisakatuparang top priorities ni MOTC-BARMM Minister Dickson Hermoso.
 
Katuwang ni Minister Hermoso si Deputy Minister Abunawas Maslamama sa isinagawang blessing ng dalawang newly acquired vehicles kung saan ang pondo’y nanggaling sa first tranche ng block grant na nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso, ayon kay MOTC-BARMM Legal Affairs Division Chief Atty. Roslainie Macao- Maniri.
Paliwanag ni Atty.Maniri na ito’y idinaan sa wasto at masusing proseso sang-ayon sa Procurement Law.
 
Nagpasalamat naman si Minister Hermoso sa tiwalang ibinigay sa kanila ng Office of the President sa pamamagitan ng DBM-National at ng Office of the Chief Minister-BARMM sa pamamagitan ng MFBM-BARMM.
 
Dumalo sa nasabing aktibidad si Assistant Executive Secretary Abdullah Cusain ng OCM-BARMM at iba pang opisyal ng sectoral agencies ng MOTC-BARMM.
 
Pinaalalahanan ni Minister Hermoso ang mga empleyado na dapat prayoridad ang public service at sumunod sa wastong proseso o protocols hinggil sa paggamit ng mga bagong MOTC-BARMM official vehicle.
 
Inaasahang magkakaroon din ng official vehicle ang mga sectoral agency ng MOTC-BARMM upang mas mapapabuti pa ang pagseserbisyo, ayon pa kay Minister Hermoso