MGA KAWANI AT MGA OPISYAL NG PITONG SECTORAL OFFICES NG MINISTRY OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS-BARMM,SUMASALUDO SA KAHALAGAHAN NG BAWAT MANGGAGAWA BILANG PAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG LABOR DAY NGAYONG ARAW

Nakikiisa ang mga kawani at mga opisyal ng pitong Sectoral Offices(BPMA,BLTO,CAAB,CABB, BTC,BLTFRB,MARINA)ng Ministry of Transportation and Communications(MOTC) -BARMM sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day na may temang pang-nasyonal "Mayo Uno sa bagong panahon-Mangagawa at Mamamayan Babangon at Susulong" at sa BARMM nama'y: "Manggagawa: Kabalikat ng Pagbabago at Kaunlaran sa Bangsamoro".

Bilang isang public servant, pinangungunahan ni MOTC-BARMM Minister Dickson Hermoso ang pakikiisa sa naturang selebrasyon at sumasaludo siya sa lahat ng mga manggagawa maliban pa sa mga nasa pribado kundi maging ang mga nasa gobyerno lalo na ang mga Bangsamorong nagtatrabaho ng higit pa sa mga naitalagang gawain sa kani-kanilang workplace. Maging ang mga Manggagawang Bangsamorong nagtatrabaho na mas inuuna ang mamamayang sibilyan lalo na ang mga mahihirap, senior citizens at differently abled persons(PWDs) bago ang kanilang sarili ay sinasaluduhan rin ni Minister Hermoso. Ang Araw ng Manggagawa o Labor Day ay ipinagdidiriwang taun-taon bilang pagkilala sa kahalagahan ng bawat marangal na Pilipinong Manggagawa dahil sa hindi matatawarang mga ambag at mga papel nila sa kani-kanilang pinagtatrabahuan sa loob at labas ng ating bansa.