BLTFRB, patuloy na pinaiigting ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan
TINGNAN – Patuloy na pinalalakas ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB) ang kanilang information drive kaugnay ng kampanya laban sa mga colorum vehicles sa bayan ng Shariff Aguak, Datu Paglas, Montawal, Pagalungan at Cotabato City simula noong March 29, 2023 hanggang ngayong araw, Biyernes, March 31, 2023.
Layunin ng anti-colorum information drive ng BLTFRB na paalalahanan ang mga driver/operator ng pampublikong sasakyan na matatapos ngayong araw, March 31, 2023, ang ibinigay na palugit ng opisina sa mga di pa na nakakapagkuha ng kanilang prangkisa. Ang mga wala pang prangkisa ay pinapayuhan na mag-apply sa opisina ng BLTFRB upang maiwasan ang pagkahuli at pagkamulta.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng inspeksyon ang mga empleyado ng opisina sa pangunguna ng Team Leader nito na si Engineer Mohammad Saud Daudie sa mga terminal sa mga nasabing lugar bilang paghahanda sa Oplan Biyaheng Ayos ng opisina ngayong semana santa. | NUBacaraman