BLTFRB nagbukas ng mga bagong ruta sa Sulu at nagpalabas ng mga memorandum circulars bilang paghahanda sa anti-colorum operation nito

Idinaos ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB) ng Ministry of Transportation and Communication (MOTC) ang ikatlong board meeting kahapon, Abril 19, 2023, sa MOTC Building. Bangsamoro Gov't Center, Cotabato City.

Ang mga bagong ruta sa Sulu na inaprobahan ng Board, ay ang mga sumusunod:

1. Jolo Public Market - Bilaan, Talipao and vice versa
2. Jolo Public Market - Panamao and vice versa
3. Jolo Public Market - Luuk and vice versa
4. Jolo Public Market - Maimbung and vice versa
5. Jolo Public Market - Parang and vice versa

Samantala, nag aproba rin ang opisina ng mga Memorandum Circulars kabilang ang mga tuntunin at kundisyon ng Certificate of Public Convenience, ang mga detalyadong standard operating procedures during anti-colorum operations, at mga parusa sa mga colorum na sasakyan bilang paghahanda sa nalalapit na anti-colorum operation ng opisina. | NUBacaraman