Nagsagawa ang Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board – Basilan BLTFRB-Basilan) ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023 upang paalalahanan ang mga draybers ng pampublikong sasakyan na siguraduhin nasa maayos na kondisyon ang kanilang sasakyan bago bumiyahe para masiguro ang kaligtasan ng bawat pasahero, noong Abril 6, 2023, sa iba’t ibang lugar ng Lamitan City, Basilan Province.
Sinabi ni Territorial Support Group Randy C. Camache 18IB IID PA ng Baroy Detachment na kung maaari ay gawing araw-araw ang operasyon ng BLTFRB-Basilan dahil karamihan sa mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan ay mga menor de edad at walang mga papeles.
“As long as batas ang pinapatupad natin, handa kaming tumulong sa inyo alang alang sa kaligtasan ng kababayan natin mga commuters,” pahayag naman ni CPL Bayot 18IB PA ng saguyan detachment in-charge.
Kasabay nito, inaabisuhan din ang mga operators na tapos na ang palugit na binigay sa kanila ng opisina nitong nakaraang marso upang mag apply na sila ng prangkisa para maiwasan ang pagkahuli at pagkamulta. (With report and photos from the BLTFRB-Basilan District Desk) |NUBacaraman