DAGDAG NA 49 PUBLIC SERVANTS NG MOTC-BARMM, NANUMPA NA MAGING TAPAT SA TUNGKULIN AT SERBISYONG PAMPUBLIKO;PAMAMAHAGI NG MGA REGALO SA MGA EMPLEYADO,ISINAGAWA BILANG PASASALAMAT SA DEDIKASYON AT TEAMWORK NA IPINAMALAS

 
Madadagdagan na na naman ng mga panibagong public servant ang Ministry of Transportation and Communication o MOTC-BARMM matapos ang oathtaking ceremony.

Sa naturang seremonya, sinabi ni MOTC-BARMM Minister Dickson Hermoso na ang pagkakapili sa kanila ay hindi maituturing na masuwerte bagkus ito’y nakakitaan ng “meritocracy” o ang pamumukod tangi sa lahat ng mga pinagpipilian na kinakailangan sa partikular na posisyon na sumobra pa sa professional standard qualification.
 
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Minister Hermoso ang mga nanumpang empleyado na makipagtulungan at mas pagbutihin pa ang kanilang pagtatrabaho at pagseserbisyo sa mamamayang Bangsamoro na laging isaisip na kahit saan sila mapapadpad sa pagseserbisyo ay nakatatak na sa kanilang mga noo na sila’y bahagi ng tanggapan at ng regional government sa kabuuan.
 
Sinuportahan naman ni Deputy Minister Abunawas Von Al Haq Maslamama ang sinabi ni Minister Hermoso at wika pa nito, na inaasahan na ang mga bagong public servant ay dagdag sa tunay na serbisyong pampubliko na isa sa naging sentro ng pagbuwis ng dugo’t pawis ng mga kapatid na Bangsamoro.
 
Samantala, kasabay ng oathtaking ceremony, namahagi ng mga regalo sa mga empleyado si Minister Hermoso at katuwang nito si Deputy Minister Maslamama.
 
Laking tuwa at pasasalamat ng mga empleyado dahil ngayon lamang sila nakaranas na mabigyan ng regalo bukod pa sa pagkakaroon ng matinong pamamahala sa naturang opisina.
 
Kabilang sa ipinapapasalamat ng mga empleyado na kanilang natanggap ay mga bigas, isda, cash at iba pa na dinagdagan naman ng raffle papremyo.