2-Day Training Workshop ng Strategic Performance and Management System (SPMS) isinaawa ng CSC sa mga key officials ng Sectoral Agencies ng MOTC-BARMM
Naging matagumpay ang dalawang araw na training workshop hinggil sa Strategic Performance and Management System (SPMS)na isinagawa ng Civil Service Commission(CSC)-BARMM sa mga key official kasama ang nasa Sectoral Agencies ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC)-BARMM na sinimulan noong August 25 sa Lungsod ng Cotabato.
Sa naging pambungad na pahayag ni MOTC-BARMM Minister Dickson Hermoso, nagpaabot siya ng pasasalamat kay Cotabato City Field Office Director II Dominador Gonzales, Jr. ng CSC-BARMM dahil sa walang pag-aatubiling suporta sa Ministry sa pagbibigay ng kauna-unahang training and workshop sa mga namumuno at nangangasiwa ng iba’t ibang Services, Sectors, Division, at Section ng Ministry na ang CSC mismo ang nagsagawa.
Umaasa si Minister Hermoso na pagkatapos nitong SPMS training workshop, lalo pang magkakaroon ng malinaw na direksyon ang kanilang gagawing midterm assessment sa performance ng bawat empleyado na batay sa binuong 5-year Strategic Plan.
Ang SPMS training workshop ay isang mekanismo na ibinabahagi ng CSC sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na makakatulong sa pagbuo ng kongkreto at siyentipikong basehan sa overall performance ng bawat kawani ng gobyerno.
Sa unang araw ng nasabing training, iprinisinta ni Chief Administrative Officer Omarsaqaff Datumanong ang overview and objectives of activity na sinundan naman ng introduction of participants and guest speakers sa pamamagitan ni Human Resource Management Officer 3 Ysmael Abad II.
Dagdag pa rito, tinalakay din ang mga paksang may kaugnayan sa: Introduction to SPMS; Governance Pillar; Planning and Commitment; Performance Monitoring and Coaching; The Performance Review and Evaluation; and Development Planning and Rewarding.
Habang sa ikalawang araw ng SPMS training ay nagsagawa ng workshop ang CSC-BARMM at nagkaroon din ng discussion/open forum at pagbabahagi ng impressions hinggil sa mga nabanggit na paksa.
Samantala, sa ipinarating na pangwakas na pahayag ni MOTC-BARMM Deputy Minister Abunawas Maslamama, sa pamamagitan ni Director General Atty.Roslaine Lidasan Macao Maniri, pinasalamatan niya ang CSC-BARMM at naniniwala siya na mas mapapahusay pa ang pagsasagawa ng Individual Employee’s Performance Commitment Review ng MOTC management na siyang magiging daan upang mas mabigyang halaga ang mga work accomplishments and attributions ng bawat kawani.